
Ang isang burol ng lalaki sa bangketa ng Commonwealth Avenue, Quezon City ay inalis na matapos mag-viral sa social media. Wala umano siyang trabaho at walang pamilya na nagbantay sa burol.
Ayon sa mga residente, nakaburol ang lalaki noong Miyerkules sa isang bahagi ng bangketa, isa sa mga pinaka-abalang kalsada sa Metro Manila. Tinulungan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang paglilibing sa pamamagitan ng libreng libing program nila.
Ngayong inalis na ang burol, dinala ang labi ng lalaki sa Catalunia Funeral Parlor at nakatakdang ilibing sa darating na Miyerkules. Sa ilalim ng ordinansa ng lungsod, bawal ang pagharang o pagparada sa bangketa dahil ito ay daanan ng mga naglalakad.