
Ang CEO na si FC Conradie, co-owner ng Gondwana Private Game Reserve sa South Africa, ay nasawi matapos masagasaan ng elepante noong Hulyo 22. Ayon sa ulat, si Conradie, 39 taong gulang at ama ng tatlo, ay nagtamo ng matinding pinsala at idineklarang patay sa lugar ng insidente.
Gondwana nagkumpirma ng balita sa isang Facebook post noong Hulyo 23. Ayon sa kumpanya, naganap ang insidente bandang 8:00 ng umaga. Agad tumugon ang emergency medical team ngunit hindi na nailigtas si Conradie. Isinasagawa pa rin ang opisyal na imbestigasyon.
Ayon sa Gondwana, si Conradie ay isang dedikadong asawa, ama, at passionate conservationist. Pinuri siya bilang lider na nagpakita ng integridad at malasakit. Dahil sa kanyang vision, naging isa ang Gondwana sa mga kilalang private game reserve sa South Africa.
Dagdag pa ng kumpanya, si FC ay may malaking ambag sa wildlife conservation, community upliftment, at sustainable tourism. Sinabi rin nilang ang pagkawala ni Conradie ay nag-iwan ng malaking puwang, ngunit ang kanyang pamana ay patuloy na mabubuhay.
Isang malapit na kaibigan at tagapagsalita ng Gondwana ang nagsabing ang pagpanaw ni Conradie ay isang “unimaginable loss.” Humihiling sila ng privacy para sa pamilya habang patuloy ang imbestigasyon at hiniling na iwasan ang anumang spekulasyon.