
Ang Typhoon Emong ay nakatakdang mag-second landfall ngayong Biyernes ng umaga sa bahagi ng Ilocos Region. PAGASA nagtaas ng pinakamataas na wind signal sa ilang lugar habang lumalakas ang bagyo sa Northern Luzon.
Signal No. 4 nakataas sa southwest ng Ilocos Sur (Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin, Alilem, Sugpon, Suyo) at sa hilaga at gitna ng La Union (Bangar, Luna, San Juan, Bauang, San Fernando City). Hangin aabot sa 118–184 kph, banta sa buhay at ari-arian.
Signal No. 3 naman sa southern Ilocos Norte, natitirang bahagi ng Ilocos Sur at La Union, Abra, Apayao, Benguet, at ilang bahagi ng Pangasinan. Hangin 89–117 kph, maaaring magdulot ng pinsala. Signal No. 2 at 1 nakataas din sa ilang bahagi ng Luzon kasama ang Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Tarlac, Pampanga, at Zambales.
Malalakas na ulan at bugso ng hangin dala ng habagat ramdam din sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol, MIMAROPA, Visayas, at Mindanao. PAGASA nagbabala ng posibleng pagbaha at landslide.
Ayon sa PAGASA, Emong tatawid ng Northern Luzon at lalabas sa Babuyan Channel bago tanghali. Posibleng manatili ang lakas ng bagyo habang papalapit sa Batanes ngayong hapon.