Ang Ford ay opisyal nang nagpakilala ng bagong Bronco New Energy sa China, na may dalawang bersyon: electric at plug-in hybrid (PHEV). Ang EV model ay may 105-kWh battery na may tinatayang 403-mile range gamit ang WLTP cycle. Samantala, ang PHEV ay may 44-kWh battery at gasoline engine na may 136-mile electric range, at 800-mile total range kapag puno ang karga at tangke.
Ang parehong modelo ay inaasahang may all-wheel drive at iba pang off-road features, pero hindi pa inilabas ang buong detalye sa specs. Ang mga bagong sasakyang ito ay gawang eksklusibo para sa China at nakatakdang ibenta sa bansa ngayong taon.