
Ang isang lalaki ay nasugatan matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa nakaparadang tricycle sa Agora, Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City noong Lunes ng madaling araw, Hulyo 7.
Makikita sa CCTV footage na dire-diretso ang takbo ng motorsiklo sa outer lane ng kalsada. Walang senyales na babagal ito o iiwas, kaya’t bigla na lamang itong bumangga sa likod ng tricycle.
Sa lakas ng impact, tumilapon at humandusay sa kalsada ang driver ng motorsiklo. Agad siyang tinulungan ng mga nakakita sa insidente.
Ayon sa ulat, sugatan ang driver ngunit wala sa panganib ang kanyang buhay. Hindi pa malinaw kung may nilabag na batas trapiko.