
Ang Netflix ay nag-anunsyo ng live-action adaptation ng sikat na Solo Leveling.
Sa kabila ng matinding hula ng fans na si Cha Eun-woo ang gaganap bilang Sung Jin-Woo, si Byeon Woo-seok ang opisyal na napiling bida. Ang Korean live-action series ay kasalukuyang nasa production stage at ipapalabas sa Netflix.
Si Byeon Woo-seok, na kilala sa 20th Century Girl at Lovely Runner, ang gaganap bilang Sung Jin-Woo.
Dahil sa kanyang mala-manwhwa na itsura, maraming fans ang nagsasabing bagay na bagay siya sa role ng isang Hunter na nagmula sa pagiging pinakamahina hanggang sa pagiging huling pag-asa ng sangkatauhan.
Ang serye ay co-directed nina Lee Hae-jun at Kim Byung-seo.
Sila rin ang nasa likod ng mga pelikulang Ashfall at Castaway on the Moon. Ang production ay hawak ng Kakao Entertainment at SANAI PICTURES, kasama ang world-class VFX team para sa mga intense at makapigil-hiningang eksena.
Ang Solo Leveling ay orihinal na galing sa KakaoPage at sumikat bilang web novel at webtoon.
May higit sa 14.3 billion views, at lalo pang sumikat nang magkaroon ng anime adaptation na nanalo sa 2025 Crunchyroll Anime Awards.
Wala pang eksaktong petsa ng release ang inilabas, pero kumpirmadong tuloy-tuloy na ang production at ipapalabas ito sa Netflix.