
Ang mga awtoridad sa Amerika ay nagkumpirma na inaresto ang dalawang Chinese nationals na naninirahan doon dahil sa espiya sa US military.
Ayon sa US officials, nakilala ang dalawa na sina Yuance Chen at Liren Lai na umano’y ahente ng Chinese government. Kung mapapatunayang may sala, puwedeng makulong sila ng hanggang 10 taon.
Batay sa reklamo, sina Chen at Lai ay gumawa ng ilang intelligence activities sa Amerika para sa Chinese Ministry of State Security. Kabilang dito ang pagbayad ng pera kapalit ng impormasyon tungkol sa national security at pag-recruit ng US Navy members bilang mga potensyal na tauhan.
Napag-alaman na si Chen ay nakatira sa Happy Valley, Oregon, habang si Lai naman ay dumating sa Houston, Texas noong Abril gamit ang tourist visa. Naaresto si Lai ng FBI noong Biyernes.
Nabanggit din sa reklamo na nirecruit umano ni Lai si Chen para magtrabaho sa Ministry of State Security ng China.