
Ang dating NBA 6th Man of the Year na si Jordan Clarkson ay lilipat na sa New York Knicks matapos magkasundo sa buyout kasama ang Utah Jazz. Inaasahang pipirma siya ng kontrata sa Knicks kapag tuluyang maayos ang kasunduan. Matagal nang kasama ni Clarkson ang Jazz mula 2019 nang ma-trade siya mula sa Cleveland Cavaliers.
Sa nakaraang season, nagtala si Clarkson ng 16.2 points, 3.7 assists, at 3.2 rebounds sa loob ng 37 laro. Ang Utah Jazz naman ang pinaka-nasa ilalim ng Western Conference matapos manalo lang ng 17 games sa kabuuang 82.
Sa kanyang paglipat sa Knicks, makakasama niya ang star guard na si Jalen Brunson, big man na si Karl Anthony Towns, at mga forward na sina OG Anunoby at Mikal Bridges. Sila ang nagtulak sa Knicks na makapasok sa 2025 Eastern Conference Finals.
Posibleng maging malaking tulong si Clarkson bilang dating 6th Man awardee sa bench ng Knicks at dagdag opensa sa team.