
Ang TAKARA TOMY mula Japan ay maglalabas ng bagong Toy Story 30th Anniversary koleksyon para ipagdiwang ang tatlumpung taon ng paboritong pelikula ng Disney Pixar. Kasabay nito, isang bagong maikling pelikula na may pamagat na (Sa Japan Tayo, Tara Na!) ang ipapalabas din. Isa sa pinaka-aabangang produkto ay ang Toy Story Logo" na die-cast o bakal na koleksyon, na ilalabas sa Agosto 2, 2025, sa halagang ¥1,650 (tax kasama).
Para sa maraming kolektor, Toy Story ang naging simula ng hilig sa laruan. Katulad ko, maraming alaala mula sa Lego, Star Wars, at siyempre, mga laruan ng Toy Story – mula sa maliliit na capsule toys, gumagalaw na action figure, hanggang sa malalaking piggy bank. Ang Toy Story na laruan at mga souvenir ay importante sa maraming tagahanga at kolektor.

Ang espesyal na die-cast set na ito ay gawa sa metal na lamp na nasa ibabaw ng bola at Toy Story logo, perfect pang-display sa opisina o kwarto. Bukod sa makulay na bersyon, may metallic silver version din para sa ibang style. Ang sukat ng packaging ay W100 x H160 x D40 mm, kaya madaling ipuwesto sa iyong koleksyon o working table.