Ang mga opisyal ng customs sa Mumbai, India ay muling nakahuli ng pasahero na may dalang buhay na ahas mula Thailand. Ayon sa ulat, ito na ang ikatlong beses ngayong buwan na may nahuling ganitong kaso sa paliparan.
Ibinahagi ng mga awtoridad na may 16 na buhay na ahas sa loob ng bagahe ng pasahero. Kabilang dito ang garter snakes, rhino rat snake, at Kenyan sand boa na kadalasang binebenta bilang exotic pets. Karamihan sa mga ito ay hindi makamandag o may lason na hindi delikado sa tao.
Naaresto ang pasahero at patuloy ang imbestigasyon. Ayon sa grupo ng wildlife trade monitor na TRAFFIC, dumarami ang mga kaso ng illegal na bentahan ng hayop. Mahigit 7,000 hayop na buhay at patay ang nakumpiska sa ruta ng Thailand at India sa nakalipas na 3.5 taon.