Ang sikat na rider na si Marc Márquez ay nagpakitang gilas sa Grand Prix ng Netherlands, kinubra ang ika-6 na panalo niya sa 2025 MotoGP season. Ito na rin ang kanyang ikatlong sunod na tagumpay, at pinantayan niya ang record ni Giacomo Agostini na may 68 premier class wins. Ang kanyang kakampi na si Francesco Bagnaia ay nagtapos sa ikatlong pwesto, kaya doble podium ang nakuha ng Ducati Lenovo Team.
Nagsimula si Márquez mula sa second row, pero mabilis siyang lumusot sa unahan sa ikalimang lap. Pinrotektahan niya ang kanyang pwesto laban kay Bezzecchi at mas lalo pang lumayo sa huling bahagi ng karera. Si Bagnaia naman ang nanguna sa unang limang lap pero bumagal at hindi na nakipagsabayan sa dulo.
Matapos ang sampung karera ng season, hawak na ni Marc Márquez ang 370 points, may 68 points na lamang sa kanyang kapatid na si Alex Márquez. Si Bagnaia ay nasa ikatlong pwesto, 126 points ang agwat sa lider. Ang Ducati Lenovo Team ang nangunguna sa teams’ standings na may 488 points, habang Ducati naman ang una sa manufacturers’ standings na may 356 points.