Ang KATSEYE ay naglabas ng bagong kanta na pinamagatang “Gabriela,” tampok ang aktres na si Jessica Alba sa music video. Ang kantang ito ay produced nina Andrew Watt at John Ryan, at may halo ng synth-pop at Latin acoustic na tunog. Umabot na ito ng 1 milyong views, patunay ng mabilis na pagsikat ng grupo.
Itinatag noong 2023 sa pamamagitan ng isang reality competition show, ang KATSEYE ay naging isa sa mga pinakamakulay at pinakabagong grupo sa music industry. Kilala sila sa kanilang addictive sound at malulupit na galawan sa stage, kaya’t patuloy silang sinusubaybayan ng fans mula sa iba’t ibang bansa.
Ang “Gabriela” ay kakaiba sa mga naunang kanta ng grupo. Dito, mas binigyang pansin ang emotions at vocals. May inspirasyon itong Gen Z version ng "Jolene", at may halo ng haunting synth-pop at Latin vibes. Tinutukoy ng kanta ang mga temang obsession, identity, at selos, na mas pinatindi pa ng magagandang harmony at catchy na hook.
Ang “Gabriela” ay unang pasilip para sa kanilang paparating na EP na pinamagatang Beautiful Chaos, na ilalabas ngayong June 27. Sa bagong kabanatang ito, inaasahang mas makikita pa ang mas malalim na talento ng KATSEYE.
Tracklist – BEAUTIFUL CHAOS:
Gnarly
Gabriela
Gameboy
Mean Girls
M.I.A