
Ang bagong serye ng model kit na ‘PLAMATEA’ ay inilunsad ng Good Smile Company at Max Factory sa Smile Fest 2025 sa Japan. Ipinakita nila ang maraming bagong modelo at prototype na base sa mga anime, laro, at orihinal na likha gaya ng Valkyrie Tune.
Ang PLAMATEA series ay ginawa para sa mga anime, video game, virtual singer, at Vtuber fans. Ito ay posable at madaling buuin dahil sa high-quality joints, multi-colored parts, at pre-printed designs, kaya kahit hindi na pinturahan, maganda na agad ang kalalabasan.
Kabilang sa mga tampok na character ay si Ryza mula sa Atelier Ryza, Hatsune Miku sa Central Town Tactical Craft Ver., at mga bagong orihinal gaya nina LISA=CASTER at IRIS=BRUCKNER mula sa Valkyrie Tune.
Ilan pa sa mga modelong ipinakita ay sina Mai Tokiha mula sa Mai-HiME, Muse Body: Ichika C-type, Wolf Armor Suit, Al Azif mula sa Demonbane, Strait Couga mula sa s.CRY.ed, at ang mga tauhan mula sa The Big O tulad nina Alberto the Shock at BF Member.
Ang PLAMATEA ay pinaghalong kalidad ng figma action figures at detalyado ng mga plastic model kits, kaya siguradong maaaliw ang mga kolektor at hobbyist sa bagong linya ng produkto na ito.