
Ang Vice Mayor-elect ng Davao City na si Sebastian “Baste” Duterte ay itinalagang acting president ng Partido ng Demokratikong Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban). Pansamantala niya itong pinangungunahan matapos mag-leave si Senator Robin Padilla bilang party president.
Ayon kay Padilla, nagdesisyon siyang magpahinga mula sa party leadership upang ituon ang kanyang panahon sa pagiging senador. Isa rin sa kanyang layunin ay itulak ang mga panukalang batas ng partido sa pagbubukas ng 20th Congress.
Sa kanyang sulat kay Party Vice Chairman Alfonso Cusi, sinabi ni Padilla na mananatili siyang tapat sa PDP-Laban at kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na siyang chairman ng partido.
Nanalo si Baste Duterte bilang Vice Mayor ng Davao City noong May 2025 elections, kaya’t inaasahang may sapat siyang suporta at karanasan sa paghawak ng panibagong responsibilidad sa loob ng partido.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pag-aayos at pagpapalakas ng PDP-Laban para sa mga susunod na political plans nito sa ilalim ng bagong liderato.