Ang dalawang poste ng kuryente ay bumagsak sa Kabatuhan Street, Barangay 168, Deparo, North Caloocan noong Lunes, Hunyo 16. Nai-report ang insidente sa Caloocan DRRMO bandang 2:08 ng hapon.
Dahil sa pagbagsak ng mga poste at pagkakalaylay ng kable ng kuryente, nahirapan ang mga motorista sa pagdaan. Mabuti na lang at walang nasaktan at walang sasakyang nadamay.
Ayon sa mga awtoridad, isa sa mga tinitingnang dahilan ay overloading ng mga kable. May sinabi ring residente na baka nakaapekto rin ang malakas na hangin at ulan. Naka-experience din umano ng brownout ng halos 30 minuto.
Nasa lugar agad ang mga tauhan ng Meralco at DRRMO para sa clearing operation. Pagsapit ng alas-singko ng hapon, muli nang nadaanan ang kalsada sa parehong lane.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring insidente upang matiyak na hindi na ito mauulit sa iba pang bahagi ng lungsod.