Ang isang construction worker sa Barangay Zapatera, Cebu City ay nasawi matapos tamaan ng nahulog na GI pipe mula sa ika-22 palapag ng gusali. Nasa gondola ang biktima sa ika-8 palapag nang mangyari ang insidente.
Matapos tamaan sa ulo, nawalan siya ng balanse at nahulog mula sa platform na kanyang tinatrabahuan. Nangyari ito bandang alas-11 ng umaga noong Hunyo 10.
Ayon sa pulisya, huli na nilang natanggap ang ulat, pasado alas-5 na ng hapon nang mai-report ang aksidente.
Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ngayon para malaman kung may kapabayaan sa site at kung may pananagutan ang contractor.
Panawagan sa mga site supervisor na tiyaking ligtas ang mga manggagawa at maayos ang mga safety protocols para maiwasan ang ganitong trahedya.