Ang Royal Enfield Classic 650 ay opisyal nang inilunsad sa Pilipinas ng Motociclista Scatola Incorporated (MSI). Ito ang mas malaking bersyon ng sikat na Classic 350 at nakatakdang mahalin din ng mga Pinoy riders. May presyong nagsisimula sa ₱429,000, may kasama pa itong 3-year unlimited warranty.
May sukat itong 2,318mm ang haba, 892mm ang lapad, at 1,137mm ang taas. May timbang na 243kg at may tangke ng gasolina na 14.8 liters. Naka-highlight pa ang retro style nito — mula sa LED headlamp, saddle seat, teardrop fuel tank, at peashooter exhausts, hanggang sa curved fenders at analog gauge.
Para sa performance, dala nito ang isang 648cc parallel twin engine na may 46.3 hp at 52.3 Nm torque, pareho ring makikita sa Bear 650, Interceptor, at Super Meteor. May six-speed gearbox at naka-Showa suspension na paniguradong makinis ang takbo.
Available ang bagong Classic 650 sa Vallam Red (₱429K), Teal Green (₱435K), at Black Chrome (₱445K). Sabi nga ng Royal Enfield Asia Pacific Head na si Anuj Dua, ang modelong ito ay “double measure” ng classic style at modernong performance, kaya siguradong tatatak sa puso ng mga rider sa bansa.