Ang Starbucks Japan ay may bagong pasabog ngayong tag-init— ang unang spicy Frappuccino na tinawag na Hot Honey Oriental Mango & Tea Frappuccino! Sa bawat higop, ramdam ang kakaibang kombinasyon ng anghang at tamis, bagay na bagay sa mga adventurous na coffee lovers.
Binuo ang inuming ito gamit ang hot honey sauce na nagbibigay ng maanghang na twist, habang binabalanse ito ng mango pulp, jasmine tea, at soy milk. May mango bits din sa ilalim at whipped cream sa ibabaw—perfect pang-refresh ngayong summer.
Para sa mga sensitive sa maanghang o bata sa elementarya pababa, may paalala ang Starbucks Japan: hindi ito inirerekomenda sa kanila. Pero don’t worry, pwede kang humiling ng mas kaunting hot honey kung gusto mo ng mas mild na lasa.
Available lang ito hanggang July 8, kaya kung gusto mong subukan ang first ever spicy Frappuccino ng Starbucks Japan, ito na ang tamang panahon!