
Ang BINI ay magho-host ng kanilang kauna-unahang homecoming fan meet na may titulong ‘Here With You’. Gaganapin ito sa Mall of Asia Arena sa darating na June 29, 2025, 3 PM. Libre ang admission pero eksklusibo lamang para sa mga miyembro ng BINI Global.
Kasama sa pagiging miyembro ang access sa mga espesyal na live streams, events, at iba pang perks. Ang annual fee para dito ay Php 1,500 lamang.
Pagtatapos ito ng kanilang BINIVerse World Tour na kasalukuyang nasa Estados Unidos, matapos bumisita sa Middle East, United Kingdom, at New York City. Sa June 21 ay magtatapos ang tour sa Vancouver, Canada.
Kamakailan lang, inihayag din ng grupo ang kanilang bagong single na “Shagidi”, na ilalabas worldwide sa June 5, 2025, 9 PM PHST. Inanunsyo rin nila ang pagtatapos ng documentary series na ‘Hanggang Dulo’ at ang kanilang songwriting contest para sa mga BLOOMs, na tinawag na BINIVerse and Chorus.
Para sa detalye kung paano maging bahagi ng libreng fan meet, mag-register sa BINI Global membership platform.