Ang Yamaha PG-1 ay naging paborito ng mga moto-builders sa Pilipinas isang taon matapos itong ilabas. Powered ng 115cc engine at priced sa P82,900, pinatunayan nito na hindi lang pang-araw-araw na sakyan kundi isa ring canvas para sa creativity.
Sa Yamaha PG-1 Outdoor Custom Throwdown na inorganisa ng Yamaha Motor Philippines kasama ang Kustomanila, nagpakitang-gilas ang mga local builders gaya ng Motoyaki Customs na nanalo gamit ang kanilang military-inspired design. May tatlong build categories: Bikers Build-off, Camper Build, at Travelers Build, kung saan ipinakita ng mga riders ang kanilang customized PG-1 na sumasalamin sa kanilang lifestyle.a
Bukod sa build competition, nagkaroon din ng espesyal na test ride course na nagpakita ng kakayahan ng Yamaha PG-1 sa rough roads, ramps, at sandy paths. Ipinapakita nito ang tibay at adaptability ng motor para sa mga moto-explorers na laging naghahanap ng bagong adventure.