Ang Honda Civic Type R ay tatanggalin na sa merkado ng Europe simula Enero 2026 dahil sa mahigpit na bagong patakaran sa emissions na Euro 6e-bis. Bilang paalam sa fans, maglalabas si Honda ng limitadong 40 units ng "Ultimate Edition" na may mga bagong disenyo tulad ng pulang racing stripes, itim na bubong, at carbon fiber na detalye.
Matagal nang paborito ang Civic Type R sa mga car enthusiasts dahil sa kanyang malakas na makina at sporty na itsura. Ngunit dahil sa mataas na 189g/km na CO2 emissions at kakulangan ng electric vehicle options ng Honda sa Europe, hindi na ito makakasunod sa bagong batas. Dahil dito, tulad ng ibang sports cars gaya ng Toyota GR86 at Alpine A110, aalis na ito sa European market.
Bagamat malulungkot ang mga tagahanga sa Europe, patuloy pa rin ang Civic Type R sa ibang bansa tulad ng U.S. at Japan nang walang pagbabago sa makina. Kaya para sa ibang bahagi ng mundo, buhay pa rin ang kilig sa makapangyarihang kotse na ito, pero sa Europe, panahon na para magpaalam sa isang alamat ng sasakyan.
ogl2ni
l98zxl