


Ang Crocs ay muling naglabas ng bagong disenyo kasama ang Pokémon, tampok si Eevee! Ang bagong Classic Platform Clog “Eevee” ay para sa mga mahilig sa pastel na kulay, Pokémon fans, at sa mga gusto ng komportableng footwear. Gamit ang paboritong Classic Platform na style ng Crocs, ang sapatos ay may makulay na tie-dye na pink, dilaw, berde, at asul, na may disenyong mga bituin sa itaas.
May dagdag na shiny chain sa harap ng clog na may nakakabit na Jibbitz™ charms ni Eevee at ng kanyang mga evolution tulad ni Jolteon, Flareon, at Sylveon. Isa itong cute na detalye na tiyak na ikatutuwa ng mga kolektor at tagahanga ng Pokémon.
Sa likod, makikita ang fuzzy pink strap na parang balahibo ni Sylveon o Pink Eevee. Bukod sa cute, nagbibigay din ito ng dagdag na comfort at estilo. Ang Pokémon x Crocs Classic Platform Clog “Eevee” ay ilalabas sa June 10, 2025, at ibebenta sa halagang $80 USD sa mga Crocs retailers.
Perfect ito sa mga naghahanap ng stylish pero comfy na footwear, at sa mga gustong ipakita ang kanilang pagmamahal sa Pokémon sa kanilang OOTD!