
Ang 43-anyos na lalaki ay nahuli sa isang buy-bust operation ng Antipolo Police at PDEA sa Barangay San Roque, Antipolo City noong madaling araw ng Mayo 28, 2025. Nahuli siya matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng P3,000.
Ayon sa imbestigasyon, galing pa sa Metro Manila ang suplay ng illegal na droga na ibinebenta niya sa Antipolo at mga kalapit-bayan. Lumabas rin sa ulat ng PNP na dalawang beses na itong nakulong — noong 2019 at 2022, pero nakalaya sa ilalim ng probation.
Nasamsam mula sa lalaki ang limang pakete ng shabu na may timbang na mahigit 300 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon. Dadalhin ang mga nakuhang droga sa Rizal Provincial Crime Laboratory Office para suriin.
Sabi ng suspek, kumakain lang daw siya sa lugar ng mangyari ang operasyon. “Kumakain lang po kami sa lugar nung nakasabay ko. Sa korte na lang po ako magpapaliwanag,” pahayag niya.
Hawak na siya ngayon ng Antipolo Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.