Ang isang eroplano ng All Nippon Airways (ANA) na papuntang Texas, USA mula Tokyo, Japan ay napilitang mag-landing sa Seattle matapos magwala ang isang pasahero sa ere noong Sabado.
Ang pasahero ay pinilit buksan ang pinto ng eroplano habang nasa himpapawid kaya agad nagdesisyon ang piloto na ilihis ang ruta para sa kaligtasan ng lahat.
Sa imbestigasyon, lumabas na may medical emergency ang pasahero. Kaya matapos itong pababain, dinala agad sa ospital para gamutin.
Wala pang pinal na desisyon kung kakasuhan ang pasahero. Inaalam pa ng mga awtoridad at ng airline kung may pananagutan ito.
Nagpasalamat ang ANA sa lokal na pulisya sa Seattle sa kanilang tulong at sinabing kaligtasan ng mga pasahero at crew ang kanilang priyoridad.