Ang mga awtoridad ay nakasamsam ng P1 bilyong halaga ng umano'y shabu sa isang bahay sa Angeles City, Pampanga nitong linggo. Natagpuan ito sa kahon-kahong Chinese tea bags sa isang unit sa loob ng subdivision sa Barangay Pampang.
Ayon sa ulat, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagsagawa ng operasyon nitong Lunes gamit ang isang search warrant. Umabot sa 155 kilo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa lugar.
Hindi nahuli ang target ng operasyon, isang Chinese national na kinilalang si Guang Tou. Kasalukuyan siyang tinutugis ng mga otoridad.
Ang mga nakumpiskang droga ay ipapasuri sa PDEA Laboratory Service para sa kumpirmasyon. Kapansin-pansin na katulad rin ito ng insidente noong Mayo 14, kung saan 101 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P680 milyon ang nasabat sa parehong lungsod.
Pareho rin sa bagong kaso, nakasilid din ang droga sa mga golden Chinese tea bags—isang estilo ng pagtatago na ngayon ay binibigyang-pansin ng mga otoridad.