Ang OPM icon na si Freddie Aguilar ay pumanaw na sa edad na 72 ngayong Martes, May 27, ayon sa ulat ng News5.
Sikat si Aguilar sa kantang “Anak” na nagbenta ng mahigit 33 milyong kopya at isinalin sa 51 lengguwahe. Isa ito sa pinakatanyag na OPM songs sa buong mundo.
Bukod dito, sumikat din ang kanyang bersyon ng “Bayan Ko,” na naging simbolo ng laban para sa demokrasya noong 1986 People Power Revolution.
Noong May 17, 2025, ginawaran siya bilang “Most Outstanding International Singer, Composer, Performer” sa 10th Southeast Asian Achievement Award.
Noong 2018, hinirang siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presidential Adviser on Culture and the Arts at miyembro ng NCCA. Ikinasal siya sa asawang si Jovie, at may mga anak sila.