
Ang isang bus at tren ay nagbanggaan sa Maharlika Highway, Barangay Paloyon Proper, Nabua, Camarines Sur bandang 3:10 AM ng Sabado.
Sa naturang aksidente, labing-apat (14) katao ang nasugatan. Ayon sa ulat, mabilis ang pagresponde ng mga awtoridad at rescue team sa lugar ng insidente.
Hindi pa malinaw ang buong detalye kung paano nangyari ang banggaan, pero patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.