
Ang Nike Kobe 5 Protro “Lower Merion Aces (Away)” ay inaasahang magbalik sa Spring 2026! Ayon sa sneaker insiders, posibleng i-re-release muli ang klasikong colorway na unang lumabas noong 2010 bilang tribute kay Kobe Bryant at sa kanyang high school team, ang Lower Merion Aces.
Metallic Silver at Team Red pa rin ang inaasahang kulay ng bagong bersyon. Ang silver ang magiging base ng sapatos habang ang red naman sa Swooshes, laces, lining, at Sheath logo sa dila. Ganito rin ang hitsura ng original pair na sinuot noon ni Montrezl Harrell.
Kahit wala pang official announcement mula sa Nike Basketball, malaki ang posibilidad na mailabas ito sa Nike SNKRS at mga piling retailers sa presyong humigit-kumulang $190 USD.
Isa ito sa mga inaabangan na Protro releases sa lineup ng Kobe sneakers na patuloy na paborito ng fans at NBA stars gaya nina Jalen Brunson at Caitlin Clark.
Abangan ang mga susunod na update para sa unang tingin sa 2026 version ng Nike Kobe 5 Protro "Lower Merion Aces (Away)"!