
Ang isang 78-anyos na lalaki ay nasawi habang isang lalaki naman ang nasugatan matapos masunog ang isang bahay sa Kaunlaran Street, Barangay Muzon, Malabon nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, umabot sa unang alarma ang sunog kaya agad rumesponde ang 8 fire trucks sa lugar. Naapula ang apoy bandang 1:22 ng hapon.
Isinugod sa ospital ang lalaking sugatan na nagtamo ng minor injuries sa braso at binti. Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala.
Ayon sa awtoridad, tatlong pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog. Ngayon ay humihingi sila ng tulong gaya ng mga damit at pagkain.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente para malaman ang dahilan ng sunog.