
Ang Apple ay inaasahang maglunsad ng malaking “product renaissance” sa 2027 bilang pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng iPhone. Ayon sa tech expert na si Mark Gurman, ilalabas daw ng kumpanya ang isang mostly-glass, curved iPhone at ang kauna-unahang foldable iPhone.
Kasama sa mga pinag-uusapang design ang all-glass iPhone na walang butas sa screen. Posibleng itago ang camera at Face ID sa likod ng display. Bagamat una nang gumamit ng glass design ang iPhone X, ang 2027 model ay mas advanced pa.
Hindi pa tiyak kung gagayahin ng Apple ang Samsung sa pag-extend ng screen sa gilid. May mga patentong nagpapakita ng all-glass design mula pa noong 2013, kaya may posibilidad.
Bukod sa iPhones, inaasahan ding ilabas ng Apple ang unang smart glasses na posibleng karibal ng Meta at Ray-Ban. Sinabi rin ni Gurman na lalawak ang gamit ng Apple Intelligence, lalo na sa AirPods at glasses, gamit ang mga camera para sa mas smart na experience.
Bagamat malayo pa ang 2027, marami na ang excited sa mga posibleng bagong produkto ng Apple. Asahan na lalabas pa ang mga detalye habang papalapit ang anibersaryo ng iPhone.