Ang K-pop at K-drama star na si Seo In-guk ay muling bibisita sa Pilipinas para sa kanyang Asia fan meeting tour na pinamagatang "Heart Cookie." Ayon sa Story J Company, bibisita si In-guk sa Thailand, Pilipinas, Malaysia, at Singapore para sa espesyal na tour na ito.
Ito ang unang fan meeting ni Seo In-guk sa bansa mula noong 2023. Wala pang eksaktong petsa, venue, at presyo ng ticket ang ibinabahagi para sa Philippine stop, kaya stay tuned na lang ang mga fans!
Kamakailan lang ay hinirang si In-guk bilang celebrity tourism ambassador ng Pilipinas para sa South Korea. Layunin nitong hikayatin ang mas maraming Koreano na bumisita sa ating bansa.
Si In-guk ay unang sumikat matapos manalo sa “Superstar K” noong 2009. Mas lalong umingay ang kanyang pangalan dahil sa hit drama na “Reply 1997,” at sunod-sunod na rin ang kanyang mga acting projects gaya ng “Doom at Your Service,” “Café Minamdang,” at “Death’s Game.”
Abangan din siya sa paparating na romantic comedy series na “Boyfriend on Demand,” kung saan makakasama niya si Jisoo ng Blackpink.