
Ang pop sensation na si Billie Eilish ay may bagong pasabog para sa kanyang fans! Idinagdag niya ang 23 bagong concert dates sa kanyang Hit Me Hard and Soft World Tour. Magsisimula ito sa Tokyo, Japan sa Agosto 16–17, at magpapatuloy sa iba't ibang U.S. cities tulad ng Miami, Phoenix, at San Francisco.
Mula pa noong Setyembre 2024, umikot na si Billie sa North America, Australia, at Europe. Ngayon, lalampas na sa 106 total shows ang buong tour! Kasama rin sa concert ang mga special guests tulad nina Marias, Towa Bird, Ashnikko, Tom Odell, at Nat & Alex Wolff.
Ang presale ng tickets sa US ay magsisimula May 20, 12 PM local time para sa American Express users, habang ang general sale ay sa May 22. Para sa Japan shows, May 22 ang Amex presale, at may promoter pre-order sa May 28 at unang pre-order sa May 30.
📍Mga highlight sa bagong concert dates:
Aug 16–17: Saitama Super Arena, Tokyo
Oct 9–12: Miami, FL – Kaseya Center
Nov 22–23: San Francisco, CA – Chase Center
Kung fan ka ni Billie, ito na ang chance mong makapanood nang live! Huwag palampasin—tickets will sell fast!