Ang LEGO Ideas Minifigure Vending Machine Set ay isang bago at nakakatuwang set mula sa LEGO Ideas line. May kabuuang 1,343 piraso ito, at ginawa upang maging parang totoong vending machine—pero imbes na kendi, LEGO minifigures ang lalabas!
Gamit ang LEGO coin, puwede mong iikot ang handle ng machine at makakuha ng isa sa 16 retro-inspired capsules. Sa bawat capsule, may bricks para mabuo ang sarili mong minifigure. May mga temang bumabalik sa classic LEGO styles tulad ng Castle at Classic Space.
Isang espesyal na minifigure ang kasama sa set — isang lalaking naka-red flannel na si Rob Vangansewinkel, ang LEGO fan na nagdisenyo ng vending machine na ito para sa LEGO Ideas program.
Available na ang set sa LEGO Insiders simula Hunyo 1, at sa publiko naman simula Hunyo 4. Ang presyo ay $180 USD.
Kung mahilig ka sa LEGO, lalo na sa pagbuo ng mga vintage-style sets, siguradong mag-eenjoy ka sa bagong LEGO Ideas Minifigure Vending Machine Set!