
Ang Bagong Urgent Care and Ambulatory Service o BUCAS ay ipinasang-operate 24/7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak na may serbisyong medikal para sa lahat, anumang oras.
Ginawa ito ng pangulo sa isinagawang inagurasyon ng Region 1 Medical Center Cancer Institute sa Dagupan City. Ayon sa kanya, ang sakit ay walang pinipiling oras, kaya dapat laging handa ang mga sentro ng kalusugan.
Sa ngayon, may tatlong BUCAS centers nang bukas sa rehiyon ng Ilocos. Nag-aalok ang mga ito ng minor surgeries, pabakunahan para sa bata at matanda, serbisyong dental, at iba pa.
Base sa tala, higit 800,000 na Pilipino na ang napagsilbihan ng BUCAS centers, lalo na ang mga nasa malalayong lugar na hirap maka-access sa mga ospital.
Layon ng 24/7 na operasyon na mapabilis at mapalawak pa ang tulong ng gobyerno sa mga nangangailangan ng madaling medikal na atensyon.