
Ang Department of Agriculture (DA) ay nagsimula ng imbestigasyon sa 32 lugar sa bansa matapos makatanggap ng ulat na may mga trader na bumibili ng palay sa halagang P13 hanggang P15 kada kilo. Inutos mismo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagsisiyasat upang alamin kung totoo ang sumbong at mapanagot ang mga mapagsamantalang trader.
Kasama sa imbestigasyon ang pagtukoy sa mga trader sa naturang mga lugar at paghingi ng paliwanag kung bakit sobrang baba ng presyong alok sa mga magsasaka. Dahil dito, pinag-aaralan na rin ng DA kung anong mga batas o patakaran ang maaaring gamitin para maprotektahan ang mga lokal na magsasaka.
Kung mapapatunayang totoo ang reklamo, posible ring magtakda ng floor price para sa palay upang hindi malugi ang mga magsasaka. Ayon sa DA, mahalagang mapanatili ang interes ng mga magsasaka sa pagtatanim sa susunod na season para hindi maapektuhan ang supply ng bigas sa bansa.