Ang umano'y kidnapping sa Lapu-Lapu, family drama lang daw?
Ayon kay Barangay Captain Ruben V. Patigdas Sr. ng Subabasbas, posibleng hindi totoong kidnapping ang nangyari noong gabi ng Mayo 19 sa Sitio Suba Panas, kundi simpleng gulo lang sa pamilya. Nakatanggap umano sila ng tawag bandang 7:30 ng gabi at agad silang rumesponde bilang bahagi ng kanilang tungkulin.
Nabatid ni Kapitan Patigdas na ang mga sangkot — isang babae at dalawang bata — ay mula sa karatig bayan ng Cordova at hindi residente ng Subabasbas. May mga nagsasabing galing daw silang mag-swimming bago nangyari ang insidente.
Bagama’t maraming tao ang nagtipon sa lugar, hindi pa rin matukoy kung totoo ngang may nangyaring pagdukot. “Natural lang na maalarma kami bilang ama ng barangay,” ani Patigdas, pero sa ngayon, tila hindi pa malinaw ang buong istorya.