
Ang boxing legend na si Manny Pacquiao ay nag-ensayo kasama ang anak na si Jimuel Pacquiao sa Pan-Pacific Park sa Los Angeles. Ika-tatlong araw ito ng kanyang training camp para sa inaabangang pagbabalik sa ring.
Magkasama nilang ginawa ang mga slam ball workouts at sabayang warm-up drills, na ikinatuwa ng mga fans na nakakita sa father-and-son bonding sa training.
Si Jimuel ay naghahanda rin diumano para sa kanyang pro boxing debut, na posibleng isama sa undercard ng laban ng kanyang ama.
Si Manny ay muling lalaban sa Hulyo 19 sa MGM Grand, Las Vegas laban kay WBC Welterweight Champion Mario Barrios. Ito ang kanyang unang laban matapos ang halos apat na taon, mula nang matalo kay Yordenis Ugas ng Cuba.
Para sa mas matibay na preparasyon, muli siyang nakipagsanib-puwersa sa kanyang longtime trainer na si Freddie Roach at cornerman na si Buboy Fernandez.