
Ang isang 10-anyos na batang si Nathan ay dinala ng kaniyang ina sa isang lying-in clinic sa Balut, Tondo para magpatuli noong Mayo 17. Ayon kay Marjorie San Agustin, malakas pa ang kaniyang anak bago ang operasyon.
Isang lalaki na nagpakilalang doktor ang nagtuli kay Nathan at tinurukan umano ng 20cc na anesthesia. Matapos ang procedure, sinabi ng bata sa kaniyang ina na wala na siyang nararamdaman. Ngunit makalipas ang ilang sandali, napansin ng ina na nanginginig at nangingisay na ang anak.
Sinubukan tanungin ng ina ang doktor, pero sinabing normal lamang daw ang ganoong reaksyon dahil sa pagiging "groggy" ng bata. Hindi nagtagal, dinala sa ospital si Nathan pero idineklarang patay.
Hindi matanggap ng pamilya ang nangyari at agad itong nag-ulat sa pulisya at humingi ng tulong sa NBI. Ayon sa imbestigador, malalaman lamang ang puno't dulo ng insidente kapag lumabas na ang resulta ng autopsy.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente, at maaaring ipatawag ang nasabing doktor upang alamin kung tama ba ang ginawang proseso.
yvv9gz
ms37yp