
Ang boxing legend na si Manny Pacquiao ay nagsimula na ng kanyang training para sa comeback sa Los Angeles. Sa Pan-Pacific Park, pinakita niya ang kanyang determinasyon habang nag-jogging at shadowboxing kasama ang kanyang team.
Si Pacquiao, 46 taong gulang, ay babalik sa ring ngayong Hulyo matapos ang kanyang huling laban noong Agosto 2021 laban kay Yordenis Ugas. "Ito ang simula ng panibagong kabanata. Inspired at motivated ako para ipakita na kaya ko pa," ani Pacquiao.
Balitang makakalaban niya si Mario Barrios para sa WBC welterweight title sa Hulyo 19. Bago ito, magkakaroon siya ng induction sa International Boxing Hall of Fame sa Hunyo. Bagama't matagal nang hindi nakipaglaban sa professional boxing, patuloy ang kanyang pagsasanay para sa malakihang pagbabalik.