
Ang dalawang bata ay nasawi habang isa pa ay nasugatan matapos madaganan ng gumuhong pader sa Doña Salud, Brgy. Sasa, Davao City.
Nangyari ito habang naglalaro ang mga bata malapit sa isang abandonadong bahay. Bigla umanong bumagsak ang pader, at hindi na nakaalis agad ang mga bata sa lugar.
Isinugod sa ospital ang mga biktima pero hindi na naisalba ang dalawang bata. Ang isa namang sugatan ay patuloy na ginagamot.
Ayon sa mga residente, matagal nang inireklamo ang bahay na iyon dahil sa panganib na dala nito.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad kung may pananagutan ang may-ari ng bahay.