
Ang star player na si Stephen Curry ay hindi pa rin makakalaro sa Game 5 ng semifinals sa Western Conference laban sa Minnesota Timberwolves. Dahil sa strained left hamstring na nakuha niya noong Game 1, mapipilitan ang Golden State Warriors na harapin ang elimination game nang wala si Curry.
Hindi rin siya nakalaro sa tatlong sunod na talo ng Warriors sa Games 2, 3, at 4, dahilan kung bakit 3-1 na ang kalamangan ng Timberwolves. Sa isang interview, sinabi ni Curry, “Even if I wanted to be Superman, I couldn’t,” bilang sagot sa pahayag ni Draymond Green na huwag pilitin ang pagbabalik niya kung hindi pa siya handa.
Pinanindigan ni Green na dapat unahin ang kalusugan ni Curry, at humanap ng paraan ang koponan para manalo kahit wala siya.
Sa nakaraang round laban sa Houston Rockets, nag-average si Curry ng 24 points, 5.9 rebounds, at 5.7 assists. Sa regular season, umabot ito sa 24.5 points, 4.4 rebounds, at 6 assists kada laro.
Si Curry ay 11-time All-Star, 2-time MVP, at 4-time NBA Champion. Siya rin ang nangunguna sa all-time 3-pointers sa NBA na may 4,058 tres — lampas 900 sa susunod na si James Harden.