Ang bagong Streamliner Tourbillon Skeleton Rainbow ng H. Moser & Cie. ay isang makulay na kombinasyon ng alahas at orasan.
Matapos magpakita ng dalawang Flyback Chronograph sa Watches & Wonders Geneva, nagdagdag pa ang brand ng panibagong kakaibang modelo sa kanilang koleksyon.
Ipinapakita ng orasan ang 60 baguette-cut na sapphire na nakaayos sa rainbow gradient sa 40mm na case.
May dalawang version ito: 5N red gold at steel. Ang mga batong sapphire ay hindi basta-bastang inilagay — sila ay invisibly set o parang nakalutang, na bumubuo ng kulay ng bahaghari at nagpapatingkad sa cushion-shaped case ng orasan.
**Makikita sa harap ng orasan ang buong skeletonized na HMC 814 movement na may flying tourbillon.
Hindi kadalasang gumagamit ang H. Moser & Cie. ng mamahaling bato sa kanilang mga modelo. Pero sa disenyong ito, ginamit ang mga makukulay na bato para mas bigyang pansin ang ganda ng loob ng orasan at ang balanse ng disenyo.
**Ang resulta ay isang orasan na eleganteng pinagsama ang galing sa paggawa ng relo at sinining ng alahas.
Ito ay hindi lang isang timepiece, kundi isang art piece na tunay na kaakit-akit para sa mga mahilig sa luxury at kakaibang design.