Ang isang motorcycle rider ay namatay matapos maaksidente sa Transcentral Highway (TCH) sa Barangay Cansomoroy, Balamban bandang 11:05 ng umaga, Sabado, Mayo 10, 2025.
Kinilala ang biktima na si Giolo Laurente, 35 taong gulang, at nakatira sa Ormoc City, Leyte. Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng motorsiklo habang bumabagtas mula kanluran patungong silangan ng highway.
Pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada, nawalan umano ng kontrol si Laurente, bumangga at tumilapon sa gilid ng kalsada. Dahil sa lakas ng banggaan, nagtamo siya ng matinding pinsala sa katawan.
Agad siyang sinaklolohan ng mga rescuers at dinala sa Balamban Provincial Hospital, pero idinaklarang patay pagdating sa ospital.