Ang Precinct Finder Page ng COMELEC ay nakapagtala ng 1.27 milyong hacking attempts sa mismong araw ng halalan, ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco. Tinawag itong DDoS attack o deliberate denial of service, kung saan sabay-sabay na pinuntirya ang webpage para hindi ito ma-access ng mga botante.
Ayon sa tala, mahigit 43.7 milyong pagbisita ang naitala sa page, ngunit tanging 14.11 milyon lamang ang lehitimong naghanap ng presinto. Ibig sabihin, milyon-milyong access ay galing sa automated o hindi totoong users.
Sa kabuuang pagbisita, tinatayang 1.27 milyon ang itinuturing na cyber attack na kinaharap ng COMELEC cyber security division.
Dahil dito, patuloy ang imbestigasyon ng ahensya para matukoy ang pinagmulan ng mga pag-atake at mapanatili ang seguridad ng sistema.