Ang Bureau of Immigration (BI) ay nabulabog matapos makatanggap ng balita tungkol sa dalawang Chinese nationals na nagtangkang lumabas ng bansa sa likod na daan o ‘backdoor’ gamit ang isang bangka sa Tawi-Tawi.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, sina Li Yu (27) at Liu Fei (35) ay nahuli ng Maritime Police habang sakay ng isang barkong galing Zamboanga City. Nang sitahin sila, ipinakita nila ang larawan ng kanilang pasaporte at sinabing sila ay mula sa Parañaque.
Sa tulong ng BI intelligence team, nakumpirma na ang dalawa ay nasa blacklist mula pa noong 2023 dahil sa pagtatrabaho sa mga lugar na sangkot sa prostitusyon at labor exploitation. May kaso rin sila ng financial fraud sa China, kaya't kilala rin silang pugante. Dinala sila sa pasilidad ng BI sa Taguig habang inaayos ang kanilang deportation.