Ang India ay nagsagawa ng Operation Sindoor bilang ganti sa Pahalgam attack noong Abril 22, kung saan 26 katao ang namatay. Ang target ng operasyon ay ang mga kampo ng terorista sa Pakistan at Pakistan-Occupied Kashmir (PoK).
Gumamit ang Indian Armed Forces ng mga makabagong armas gaya ng loitering munitions para sirain ang mga base ng Jaish-e-Mohammad (JeM) at Lashkar-e-Taiba (LeT).
Ayon sa Ministry of Defence ng India, planado ang mga pag-atake at sinigurong hindi matamaan ang mga military facility ng Pakistan.
Kinumpirma naman ng Pakistan military na may mga missile strike sa mga lugar ng Kotli, Bahawalpur, Muridke, Bagh, at Muzaffarabad, na nagdulot ng matinding tensyon sa dalawang bansa.
Nagbabala ang Defence Minister ng Pakistan na puwedeng mauwi sa all-out war ang sitwasyon kung ipagpapatuloy pa ng India ang ganitong hakbang.