
Ang beauty influencer na si Valeria Pantoja ay pumanaw habang siya ay nagpapagaling mula sa isang weight loss surgery. Ibinahagi ang malungkot na balita sa isang Instagram story noong Miyerkules, Mayo 7.
Ayon sa post, “Malungkot naming ibinabalita ang pagpanaw ni Valéria Pantoja,” na isinalin mula sa wikang Portuguese. Tinawag siya bilang isang "minamahal na tao" at nagpaabot ng pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta.
Nagbigay din ng pasasalamat sa mga followers niya para sa kanilang suporta at pagmamahal sa kanya. Hiniling din na bigyan ng lakas at ginhawa ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa ganitong mahirap na panahon.
Base sa ulat ng PEOPLE Magazine, sinabi ng kanyang hipag na si Valeria ay sumailalim sa bariatric surgery kamakailan. Habang siya ay nagpapagaling, nanghina, nagkasakit sa madaling araw, at binawian ng buhay sa ospital.
Si Pantoja ay may halos 14,000 followers sa Instagram kung saan siya ay nagbabahagi ng beauty tips. Isa rin siyang negosyante na nag-aalok ng mga beauty services gaya ng lip fillers, Botox, at micropigmentation.