
Ang rapper na si ASAP Rocky ay nagbunyag na buntis muli ang partner niyang si Rihanna. Inanunsyo ito ni Rocky sa red carpet ng Met Gala 2025, na agad namang ikinatuwa ng fans.
Ayon kay ASAP Rocky, “It’s time that we show the people what we was cooking up. And I’m glad everybody’s happy for us cause we definitely happy.” Masaya raw siya na masaya rin ang mga tao para sa kanila.
Kinumpirma nila ang kanilang relasyon noong 2021, at ngayon ay mayroon na silang dalawang anak — sina RZA Athelston at Riot Rose. Ipinakita ni Rihanna ang baby bump niya noon sa Super Bowl 2023 halftime show.
Ngayon, paparating na ang kanilang pangatlong anak, na siguradong mas magpapasaya pa sa kanilang pamilya.
Abangan ang susunod na updates sa Rihanna at ASAP Rocky, lalo na't laging excited ang fans sa bawat anunsyo nila.