Ang bodega ng isang kilalang delivery company sa Brgy. San Isidro, Angono, Rizal ay nilooban ng tatlong lalaki na hindi pa nakikilala. Tinatayang ₱1 milyon ang kanilang natangay sa loob ng warehouse ng J&T Express.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 8:50 ng gabi nitong Martes. Bigla umanong pumasok ang mga suspek sa loob ng bodega at agad na nagdeklara ng holdap.
Pagkatapos manloob, tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo. Malaking halaga ng pera ang kanilang nakuha.
Sinusuri na ngayon ang mga CCTV footages sa lugar. Nagsimula na rin ang dragnet operation ng mga pulis upang matunton ang mga salarin.
Patuloy ang imbestigasyon at pangangalap ng mga testigo para mapadali ang pagkakakilanlan sa mga nanloob at maresolba agad ang kaso.