Ang isang photo ng regulated street vendors na nakita sa Pasig City ay mabilis nag-viral sa Reddit. Ipinost ni Reddit user u/pma1919 noong April 29 ang litrato ng mga vendors na mayroong cart numbers at logo ng city government. Ayon sa Redditor, "Galing talaga ng Pasig. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa NCR."
Nagustuhan ng maraming Pinoy ang initiative ng Pasig at nakatulong ito para magbigay ng sense of security sa mga street food lovers. "Mas kampante akong tumangkilik ng street food," dagdag pa niya. Ang photo ay nakatanggap ng 2,800 upvotes at higit 100 comments sa Reddit, kung saan pinuri ang Pasig sa pagtulong sa mga street vendors, hindi sa pagtulak sa kanila palayo.
Isang Redditor naman ang nagsabi, "Dapat nga ganyan majority sa atin. Kasi madalas mga vendors, nagpapatayan sa pwesto." May isa ring nagkomento, "GANYAN. ENABLE PEOPLE, HINDI SITA, PUROS BAWAL." Ang mga Pinoy ay naniniwala na dapat may mga solusyon ang gobyerno tulad ng regulation, imbes na basta-basta lang tanggalin ang mga vendors.
Nag-viral din ito sa Facebook, kung saan ipinagdiwang ng mga tao ang sistema na nagbibigay ng pagkakataon sa mga street vendors na magtinda nang legal. Isang Facebook user ang nag-share, “Hindi nila kailangan magtago o kabahan ‘pag may clearing ops, kasi they’re part of the system.”
Maraming mga netizens ang nagpapasalamat kay Mayor Vico Sotto dahil sa mga hakbang na ito para tulungan ang mga informal workers at bigyan sila ng pagkakataong magtrabaho nang may dignidad.